Dear DOTC, LRTA & MRT, BEEP Cards, Anyare?!

Ang blog post na ito ay nasa wikang pambansa dahil gusto ko na agad i-post ng mabilis. Agad agad.

Noong nakaraang Marso 2015 habang papasok ako sa huling klase ko sa aking unibersidad sa Maynila, ay napansin ko ang sangkatutak na posters na sumisigaw at ipinagyayabang ang bagong “BEEP” stored value cards ng LRT. “Inaabangan na ang maligayang Mayo sa LRT 2!” Halos sa bawat kanto ng bawat istasyon ng LRT, LRT2 at MRT at makikita ang mga nasabing posters. Nakasaad sa posters na ngayong Mayo 2015 ay maaari ng mabili ang nasabing BEEP cards. Sa isip-isip ko, “Aba, mabuti naman at may petsa. May aasahan na kaming pagbabago bukod sa mga hindi gumaganang escalators at elevators. Sana totoo.” Kaya umasa ako na sa muling pagsakay ko ng LRT ng Mayo ay makakabili na ako at magagamit ko na ang beep cards.

BEEP Cards Posters at LRT Katipunan, 25 May 2015

BEEP Cards Posters at LRT Katipunan, 25 May 2015

Inaamin ko na natuwa at na-excite ako nung nalaman kong magkakaroon na ng standard electronic smart card ticketing system ang LRT1, LRT2 at MRT. Pero kahit alam ko din na halos lagpas isang dekada na ang teknolohiyang ito na ginagamit sa ibang bansa tulad ng Singapore, Hong-Kong o Japan, ay natuwa pa din ako dahil marami sa aking mga kababayan ang ma-iibsan, kahit papaano ang perwisyo ng bulok na kasalukuyang sistema ng mano-manong pagbili ng ticket sa tatlong linya ng tren.

Dahilan ng pagkakataon, kanina lang ulit ako nakasakay ng LRT 2 pagkatapos ng huling pagsakay ko noong Marso. Inasahan ko na bilang nasa huling linggo na ng Mayo, ay makakabili at magagamit ko na ang ipinagmamalaki ng DOTC na “BEEP” cards. Ngunit ako’y nagulat, nalungkot at nayamot nung nakita ko ang mahabang pila ng pasahero sa Katipunan station kaninang tanghali. WALA PANG LRT BEEP CARDS! Ayun, ang kawawang pinoy commuters, nakapila pa rin ng pagkahaba-haba sa dalawang ticketing windows. At ang BEEP cards machine? Ayun, may nakapaskil na “TEST In Progress”.

SVC Machines Testing In Progress at LRT Recto Station, 25 May 2015

SVC Machines Test In Progress at LRT Recto Station, 25 May 2015

Ano po kayang nangyari sa “Maligayang Mayo”? Tila naging Malungkot at Mahabang Pila ng Mayo ang nangyari. Wala po ba talaga tayong sense of urgency DOTC? Tska napansin ko po bakit po kaya parang pang-coins lang yung SVC machines? Para pong walang pang bills? Eh kung tutuusin, mas may P20, P50 at P100 bills po ang mga pasahero ngayon. Kung coins lang po ang tatanggapin ng machines, magkakaroon na naman po ng pila sa LRT PAO para magpabarya. Dapat nga po, puro pang-bills na ang machines natin. 2015 na po. Bakit po kayo ganyan? Wala po bang nag-isip nyan? O sadyang ganyan po ang inorder nyo sa supplier para sa next na kontrata ay mayroon na naman po tayong pagkakakitaan?

Eto pa. Nagtaas na po kayo ng pamasahe mula Enero ngayong taon, pero ang escalators at elevators hindi pa din po gumagana. Bakit po kayo ganyan?

Escalators not operational. LRT Recto. 25 May 2015

Escalators not operational. LRT Recto. 25 May 2015

Sadya po bang wala kayong paki-elam sa pubiko? Bakit po hindi nyo madaliin? Bakit po sobrang tagal ng pag-improve? Noon po ang issue nyo, nag expire na kasi kontrata ng maintenance, tapos naging lugi kasi, mababa ang pamasahe. Ngayong nagtaas, wala pa din pagbabago. Ano po ba? Okay lang po na ganyan kasi nakakapagtiis naman kami? Pwede na yan. Kasi nakakauwi pa din naman kami sa mga bahay namin. Pwede nang walang air-con ang mga tren, kasi nakakapagtiis naman, may pamaypay naman. Pwede na yan kasi nakaka-akyat naman sa hagdanan. Konti lang kasi ang pilay sa Pilipinas. Pano naman po yung mga naka wheel-chair, sila lolo at lola?

Bakit po kailangang magtiis ng publiko habang kayo po ay nagpapakasasa sa sarap at lamig ng air-con ng mga sasakyan nyo na napakalakas sa gasolina na binabayaran ng taong-bayan. Bakit po kaya?

Patapos na ang administrayong PNoy, magpapalitan na naman ng gabinete. Ano ba ang nagawa ng DOTC? 6 na taon nang ganyan ang LRT, LRT2 at MRT. Anong nangyari? Sumesweldo kayo buwan buwan, pero simpleng pagkuha ng maintenance contractors ng escalators at elevators hindi magawa? Simpleng pagbili ng tama at nararapat at sulit na SVC machines hindi magawa? Bakit po kaya? Bakit po kaya? Bakit?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s