Bobong Botante

Ang bobong botante.

(Paalala, may mga salitang di ka nais-nais mabasa o marinig) 

Ito ay nakasulat sa wikang pambansa upang maunawaan ng mas nakakarami ang aking balak ipahiwatig. Ito ang mga sintomas na ikaw ay isang bobong botante at walang kwentang mamamayan. Pasensiya na sa mga salitang yan, pero kung tinamaan ka, di ko na problema yon.

Isa kang bobong botante kung madalas o minsan nasasabi mo ang mga ito tuwing panahon ng eleksyon:

  1. Wala namang magbabago, di na ako boboto.” –- Oo, tama ka! Walang magbabago dahil napakatamad mo, pagboto lang di mo pa magawa? Hindi mo ba alam na napakaswerte mo kung malaya at may karapatan kang bumoto? Yung mga tao sa ibang bansa, hanggang ngayon, umiiyak, nakayuko dahil wala silang kalayaang pumili kung sino ang gusto nilang iluklok sa pwesto. Tapos ikaw, sasayangin mo lang dahil pakiramdam mo walang magbabago? Simulan mong magbago ng mentalidad sa pagboto, makikita mo ang pagbabagong hangad mo.

  2. Di ko naman kilala yang mga yan, bahala na sa eleksyon.” – – Di mo kilala? Aba, eh di kilalanin mo! Marunong kang magbasa diba? Marunong kang magsulat? May kamag-anak kang nag-aaral, marunong mag surf sa internet diba? Alamin mo kung sino sa tingin mo ang karapat-dapat na umupo sa pwesto. Ipagtanong mo kung sino sila, kilatisin mo. Bakit mo sasabihing bahala na sa eleksyon, tapos pag na-badtrip ka sa binoto mo kasi walang kwenta, magrereklamo ka. May utak ka para mag-isip. Lahat tayo may kapasidad para kilatisin ang bawat isa.

  3. Boboto ko siya, mukhang mabait at matulungin eh. Gwapo/Maganda pa!” (Artista at mga kilalang personalidad) – Naks naman, ano to “Search for the most pleasing personality?” Di porke’t mukhang mabait at sa tingin mo matulungin, eh yun na yung totoong pagkato niyan. Kilatisin mo kung totoo ba talaga, na kahit wala sa pwesto, walang camera oh walang nakakakita eh talagang mabait sila. Tska, mabait nga at matulungin, magtaka ka baka pag nasa pwesto na yan, lahat ng tulong eh ibibigay sa mga kaibigan. Yung tipong hindi maka-hindi kahit alam na mali. Tska iba ang nasa TV sa totoong buhay. Maging mapanuri ka dapat.

  4. Sayang ang boto ko, di naman mananalo yan.” – Dito ko badtrip na badtrip. Oo, sayang ang boto mo kasi kung yun boto mo eh ibinigay mo dun sa karapat-dapat eh di sana puro tamang lider ang mga nasa pwesto ngayon. Bilib na bilib ka sa surveys? Eh ang bobo mo. Bakit mo itutulad yung pagiisip mo dun sa mga sumagot sa survey? Wala ka bang utak? Wala ka bang sariling isip? Susundin mo din sinabi sayo ni Pastor o ni Father o kung sino mang may awtoridad sa relihiyon mo? Sige, pero kung sa tingin mo may mali sa mga kandidatong inendorso nila, aba mag-isip isp ka. May free-will tayo. May kanya-kanya tayong utak at balota sa araw ng eleksyon. Isip isip din pag may time.

  5. Siya na lang, gusto ko kasi vision ng Nanay at Tatay niya.” – – Anong vision? Pareho sila ng mga mata? Pareho sila ng isip? Walang ganon! Di porke’t mula sila sa pamilya ng mga politiko eh sila na ang karapat-dapat. Mabahala ka kung halos lahat sila eh nasa pwesto na nang gobyerno. Di na paglilingkod-bayan yan! Pagtatakip-butas na yan. Gusto nila, sila na lang ang nasa pwesto para mapagtakpan ang anomalyang ginawa at gagawin nila. Obserbahan mo, ilampung-taon na sila sa pwesto? May nangyari ba? Pareho nga sila ng apelyido, pero may napatunayan na ba? Katulad ng isa diyan, namatay lang si Mommy, tumakbo na. Syempre yung mga bobong botante, naawa. Ayun, panalo! Tapos eto pa, yung nakulong na, aba! Nag #2 pa! Susmaryosep na mga botante to!

Wag tayong maging bobo. Lagi na lang tayong, “ay mabait yan. Uy mukhang di corrupt.” Diba pwede namang “Magaling yan! Matalino yan! Ay, talagang totoo sinasabi niyan. Sa (insert city/province), pag pumunta ka, talgang ibang iba. Napakaayos. Siya nga nagpatupad ng ganito, ganon….” Siguro pwede naman? Kaya yang mga kandidatong yan, kahit alam nilang nanloloko lang sila eh laging kasali dahil malakas ang loob nilang mananalo sila dahil sa pagkakaalam nila eh bobo tayo. Nakakbadtrip diba? Ako, di na ko papayag na ganon ang isipin nila. Hindi ako bobo. Oo, sige sabihin na nilang magaling ako, na ang yabang ko, pero sa pagkakataong ito. Di ako papa-uto sa kanila dahil hindi ako bobong botante. Ikaw, bobong botante ka ba?

O, tanong nga ni Vice Ganda: 

Image,

Image from: http://media.tumblr.com/tumblr_m4poprANfJ1qhobif.jpg

by: @NJayMaldito

#NoProofread #Welcome #GrammarNazi

As one quote says:

“Election day is when citizens are most powerful. It is the day when they can influence the government.”

44 thoughts on “Bobong Botante

  1. Debate tayo pare,, Bakit ka pa nga boboto kung ung pag pipilian mo lang naman eh Tae at Ebak, Parehas mabaho. Ang sulosyon sa Bansang eto ay palitan ang sistema.. hindi ako tamad bomoto at ayoko talga. kung mga gunggong lang namanung pag pipilian mo.

    • Tama! Bakit ka boboto kung ang ilalagay mo lang din sa balota eh wala dahil wala ka naman talagang gusto manalo sa kanila? Magsasayang ka ng pagod diba?! Yung (1) lang naman yung debatable pero yung iba, swak na swak sir!

      • Well para sa akin, hindi lahat ng tumatakbo eh tae at walang kwenta. Sa isang basket ng kamatis, hindi lahat ay bulok. Mas nangingibabaw lang ang mga bulok dahil konti lang ang matitino. Kaya nga kailangan, hindi tayo mga bobong botante. Magbago tayo ng mentalidad para lahat ng matino eh lumitaw at mabigyan ng pagkakataon. Pero kung pati mga botante eh bulok din ang pag-iisip, eh tlgang basurahan ang kahihinatnan naten.

        • Bro Hanggang ganyan ang sistema natin, ang sinasabi mong matitino ay magiging Ebak din.. May mga matitino tayong senador DATI, Tulad ni Juan Flavier tska si ?? yun lang naalala ko eh, Si Dick Gordon maayos pero hibndi sya makapag lingkod ng maayos dahil nga sa Bulok na Sitema, Wala na sa Pang kasalikuyang sistema ang Pag babago, Nag hahangad tayo ng pag babago pero Bobo pa din ang mga Pinoy, at kinukunsinte ang kabobohan ng mga yan para Utuin, Kailangan na nating lumabas sa Kahon, At hindi ito mag sisimula sa Gobyerno dahil nakikinabang sila sa Pangkasa lukuyang Sistema.Gets mo?? Kailangan na natin tong Palitan,

          • Gets ko yan brod… Eh paano nga natin mapapalitan kung ang mga nasa pwesto eh yang mga bulok na gusto ng bulok na sistema?

            Syempre, nasa atin ang susi para maluklok sa pwesto yung matitino para sila ang mangungunang palitan ang sistema. Pinakamakapangyarihan ang tao tuwing eleksyon, wag sana nating sayangin to.

            Sana kahit papano, magkaron tayo ng pag-asa para sa bansa natin. Kung sila Rizal, Bonifacio, Mabini at iba pa, hindi sumuko, tayo pa kaya?

            • Tama ang ilang punto dito, pero ang iba hindi ako naniniwala. kung maraming bobong botante mas maraming bobong kandidato. kahit gusto mong bumoto kung wala ka namang mapili na matino, hindi na lang. noong unang pagkakataon kong bumoto noong 1992 presidential eleksyon, ng hindi manalo ang binoto ko dahil sa dayaan nawalan na ako ng tiwala sa elekson sa pinas. kahit hindi ako bumoto, may boboto sa pangalan ko baka sampung beses pa. mga pangalan nga ng mga patay nagagamit pa para bumoto. kaya ako lumayas ng pilipinas dahil sa bulok na systema ng gobyerno, ang panahon ng eleksyon ang pinaka-ayaw kong panahon.

              • Well, di kita masisisi kung bakit parang nawalan ka na ng pag-asa sa bansa natin. May kanya-kanya tayong pananaw at pangarap. Nirerespeto ko yang pananaw at opinyon mo. Salamat ulet sa pagbasa. All the best!

            • mabuti na lang si Rizal at Bonifacio nabuhay noong unang panahon, kung ngayon sila nabubuhay, pustahan tayo nag-aaral na rin ng nursing si Rizal kahit na siya ay doktor para maka-alis ng pinas at magtrabaho sa ibang bansa. katulad ng napakaraming doktor na pilipino na nag-aaral maging nurse makaalis lamang sa bulok na systema.

            • Bro wala na Eleksyon ang pag babago.. nasa Rebolusyon na. Tulad nga ng Sinabi mo, Sila Bonifacio, rizal hindi sumuko tayo pa kaya. hindi ako pabor sa rally rally tulad ng ginagawa ng mga aktibistang yan.. Hindi nila papalitan ang sistema hanggang nakikinabang sila dito. nananatiling Boblaks ang mga mga Pinoy, Well lahat naman tayo dito gusto ng pag babago.. pero takot tayong lumaban, ang iba hindi nalang nalang nakeke alam, nabasa ko yung ibang Blog mo, I salute you Bro.Hindi naman maiiwasan na mag kaka iba iba ng pananaw ang importante nagkakaisa tayo para baguhin nakaka sukang Lipunan, Parehas tayo ng Estilo, Pero nasa Youtube naman ako. hindi to pag promote ha, http://www.youtube.com/user/takerumiyamoto

              • Sige brod, ano sa tingin mo ang solusyon para mapalitan ang sistema? Kung hindi eleksyon at pagboto sa mga karapat-dapat na kandidato ang paraan, ano? at paano?

                • Hindi pwede idaan sa “bloody revolution” para mapalitan ang mga artista, at mga walang experience na kandidato
                  katulad ni Nancy Binay,JV Ejercito, Erap, Bong Revilla at marami pang iba. Ang pinakahuling chance ay idaan sa pagamit sa ating consencia at ibagsak natin sila sa pamamagitan ng inyong mga boto.For the last time ,please OPEN YOUR MIND! and do it during election time.

                • Intellectual revolution. Malaki ang naiitutulong ng social media, pero hindi pa to sapat para maiabot ang mensahe sa mga taong naka lubog na sa kamangmangan. kung talgang desidido ka/tayo sa pag babago kailangang pag sikapan pa to, at mag kaisa ang mga taong isa lang ang hangarin at ang kagustuhang ng pag babago, basta ako hindi na ako umaasa na sa Gobyerno at sa Pang kasalukuyang Sistema na ang pag babago, kundi nasa Tao na. hindi ko alam ko alam kung papabor ka sa kin pero sa palagay ko isang matalino, intelektwal, at tapat na rebolusyon na ang kailangan. tulad ng paraan ng sinasabi mong mga bayani.

        • Hindi mo ba naisip NJAY na kung ano ang talagang tunay na dahilan nila sa pagtakbo? Talaga bang idealistic sila at matatalino or wolves in sheeps’ clothing? Hindi mo rin ba naisip or na-realize na ang boto mo ay hindi 100% safe? meaning maaring nakawin yan or mabiktima lang ng dagdag bawas or kung ano pa man.remember nasa pinas tayo, lahat pwede mangyari basta may pantapal ka lang na pera at kung ikaw ay incumbent. E pano kung wala mapili ang isang tao na iboto among sa mga choices, bobo at tamd na ba yun sa panlasa mo? e Pano kung ang isang tao ay wala ng tiwala sa gobyerno dahil nga pugad ito ng mga kawatan(proven na yun di ba?), bobo na ba at tamad yun? DI ba alam na ng lahat na ang politika sa pinas ay madumi at bakit ka pa sasali sa election kung in the 1st place e alam mo namang madumi yan? Bobo din ba yun at katamaran? Baka ikaw ang BOBO dahil hindi ka nagiiisip ng mas malalim. akala mo nabubuhay ka sa total na demokrasya, think twice.

    • try mo mag-kandidato… kung maka- gunggong ka kala mo wala kang ginagawang mali. ah.. perfect lang ang peg? haha

  2. hoy gumising naman kayo…. tama nga sabi nya isip isip din pag may time… sana mag bago na ang isip ng iba nating kababayan… tandaan mo isang mabuting hakbang lang maraming pang susunod sa mabuting pag hakbang mo…

    • wag maging sunudsunuran, kayong pumupuri at naglalagay ng mga sakim at kurakot sa pwesto ang dahilan ng pagbagsak ng isang bansa, mabuti pang iisang kurakot na diktador o hari at totoong lider ang nasa itaas, kesa naman lahat ng nasa pwesto ay magnanakaw, mapa senado, kongreso, gobernador, meyor.

  3. Disagree ako sa 1 and 4. Ilusyon nman tlga ang botohan at gaguhan lalo na ang national election. Rigged kumbaga. Sa totoo lang, ang election sa pinas ay namamanipula, akala lang natin ang boto natin ay may saysay pero wala.May mga tao sa likod na nagpapatakbo ng moro moro at may mga tao sila na sadya nilang niluluklok sa matataas na posisyon para maisakatuparan ang agenda nila. Scripted kumbaga. akala lang natin demokrasya ang election pero hindi, pati sino naman ang karapat dapat ihalal sa mga pagpipilian? e puro halos buwaya ang mga tumatakbo. At bakit tayo boboto pa kung alam naman natin in the first place na madumi ang political system natin? ang kailangan e baguhin ang sistema, dahil bulok naman tlga ang sistema e.

    • yun na nga madaming buwaya..so ano dapat gawin ng mga botante? magresearch kung sino ang karapat dapat. do you do that?

      • ok ang suggestion mo na mag research. agree ako jan, yan lang ay kung ang sistema natin ay hindi bulok. Nag-research ka nga at ok ang naiboto mo kaso tinira ka ng dagdag-bawas dahil may butas ang sistema at corrupt nanalo parin si buwaya candidate e di wla din kwenta yun boto mo. di ba madaming kaso ng dagdag bawas, ballot switching at kung anu-ano pa. wala din saysay. pati madaming idealistic na kandidato sa umpisa lang, pero once na naka-upo na at napalibutan na ng pera, demonyo na! Mahabang pag-aaral ang dapat natin gawin para maisaayos natin ang gobyerno natin.

    • I wrote this one myself. Haven’t read the blog until you posted the link. Well, it’s not surprising to know that someone wrote almost the same blog tone already. It only means we are more aware of voters’ stupidity.

  4. Kung karapatan ko ang bomoto, karapatan ko ring HINDI bomoto. Kung majority ng Pilipino (51%) ay AYAW bomoto, lahat na tumatakbong knadidato ay disqualified dahil walang majority or quorum ang eleksyon. Mapipilitan ang COMELEC na walisin lahat ang mga kandidatong tumatakbo at I-open muli ang nomination for NEW candidates. Kapag majority ng Pilipino ay gustong bomoto sa mga bagong kandidato tuloy ang eleksyon kahit 51% lang ang gustong bomoto. It would be a scene to watch kung majority ng Pilipino ay binoykot ang eleksyon dahil magmumukhang tanga ang mga nananalo subalit wala silang majority empowerment o MANDATE ng mga Pilipino. Kailangang I-boycott ang eleksyong tinatakbuhan ng maraming kandidatong gago, magnanakaw, kurap, mamamatay tao, singungaling, abusado, buwaya sa pork barrel, rapist, religious-con-hukos-pukos (magnanakaw ng tithing at limos sa simbahan nya o sa iba), trapo, artistang laos-gustong-maging-politiko, dynasty, tanga, walang pinag-aralan, palaaway sa senado-kongreso, tamad, masiba sa sex, etc… Tagal na akong di bomoboto dahil naparaming gagong Pilipino ang sumasali dito. Hindi nyo ba pa rin ba nahahalata, simula ki Marcos hanggang ngayon, napakarami ng politico ang nanalo, subalit pulubi pa rin tayo at walang makuhang maayos na trabaho. Sariling kayud ako at hindi umaasa sa gobyernong walang pakialam sa ordinayong Pilipino.

    • Di naman applied ang quorum sa bansa naten e. In theory, 50% + 1 ang kelangan makuha na boto ng isang kandidato para manalo pero sa case naten sa pinas kahet ilan lang yan basta kung sino makakuha ng pinakamadaming boto sya ang panalo.

  5. guilty ako sa #5 dahil sa binoto kong president nung 2010.. hehe.. sakit nun..
    that was my first time to vote.. pero ngayon, hnd na.. matanglawin na ako ngayon.. iboboto ko ang mga pasado sa standards ko.. kht 5 senators lang, vice mayor at 5 councilors lang ang iboboto ko sa May 13, okay lang.. dahil sigurado ako sa kanila.. qualified sila..🙂

    anyway, thank you for your opinion.. it helps..🙂

  6. Alam nyo ho mga kuya at ate, sumasang ayon ako sa inyo. NAPAKABULOK ng sistema dito sa ating bansa. Mas gusto ko pa yung time ni Marcos although hindi ko naranasan yun dahil di pa ko pinapanganak pero based on my research, pagsisiyasat at pagtatanong, mas maayos ang ekonomiya natin noon. Hindi masama ang MARTIAL LAW. Na-overpowered lang. pero kung maayos itong naimplementa, siguro isa ang pilipinas sa mga mayayamang bansa.

  7. kaya nga ayaw nalang namin bomoto kasi ang mga magnanakaw na ngayon ay wala na sa banketa or sa siras nandoon na sa senado at kongreso naka amerikana na. Yong pork barrel nila ay parang nilegal nilang inabuso at ninakaw. Iwan ko bah kung bakit ganito ang bayan natin. lol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s