Iniinsulto ako ni Nancy Binay

Iniinsulto ako ni Nancy Binay dahil siguro iniisip niya na …

 Image

1. ako ay isang “name-recall voter” – – siguro iniisip niya na lahat ng Pilipino ay tinitingala at bilib sa Tatay niya na dating Mayor ng Makati at ngayon ay bise-Presidente ng bansa na laging ipinagmamalaki ang kanyang mga nagawa. At siguro iniisip din niya na kapag “Binay” ang apelyido mo eh isa na itong kasiguraduhan na siya ay magiging isang Senador. Teka, dib a may asawa siya? Bakit hindi niya gamitin ang apelyido ng asawa niya? Pwede din natin tanungin ang mga tunay na taga Makati, kung ano nga ba talaga ang kalagayan ng bayan nila bago at habang nasa pwesto ang mga Binay.

 

2. ako ay “Mangmang” – – na hindi ako marunong bumasa at sumulat para siyasatin ang kanyang mga kredensyal at mga nagawa (kung meron man). O baka iniisip din niya na ang buong pamilya ko ay walang pinag-aralan at kami ay nanghuhula na lang ng iboboto tuwing eleksyon.

 

3. gustong-gusto ko ang “Campaign Ads” – – na tuwang-tuwa ako sa mga komersyal niya sa TV para makumbinsi niya akong tunay nga siyang Nanay at siya ang magsisilbing Nanay sa Senado. Sandali lang ah, kelan pa ba nagkaron ng mga sanggol sa loob ng Senado at kailangan meron magpa-dede?

 

4. ako’y uhaw na uhaw sa mabulaklaking mga salita (pangako) – – “Education to Employment.” – Kung ito ay totoo, bakit kaya hindi siya umalis sa kanyang tatay at magsimula ng sarili niya? Nakapagtapos siya ng pag-aaral, bakit hindi kaya niya gamitin ito para humanap ng sarili niyang trabaho? – – “Kay Nancy Binay, mga bata gaganda ang buhay.” –Nung huling nasa Makati ako, na-ireport ko kaagad sa DSWD yung mga batang palaboy sa kalye. Madami sila. “Nanay de Pamilya.” –nakakatawa ang linyang to, sa totoo lang.

 

5. ako’y naniniwala sa surveys – – na meron akong mentalidad na iboboto ko lang kung sino yung nasa top 12 kasi baka masayang yung boto ko kung yung iboboto ko eh nasa 13th pababa sa surveys. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa kahit anong survey na may bahid politika. Ang mga surveys ay  mayroong  maraming kadahilanan katulad ng statistics. Ang mga resulta ay pwedeng hulaan at baguhin base sa mga iba’t-ibang variables at datos na ibinibigay. Masyadong teknikal, sakto na siguro yan. Siguro iniisp din niya na nakadepende ang boto ko sa surveys, na kung sino yung gusto nung iba, yun din ang boboto ko.  Na maniniwala ako sa surveys kahit ako mismo eh ni minsan hindi napasama diyan sa mga surveys na yan.

 

6. ako’y tanga – – siguro iniisip niya na ako ay isang bobo o tanga na wala akong kapasidad na mag-isip at kumilatis ng aking mga iboboto. Eto lang, ako ay isang matalinong botante. Pakibasa yung ika-pito.

 Image

7. iboboto ko siya – – kasi mukhang okay naman siya. Pwede ba. Panigurado, hindi ko siya iboboto. Hinding-hindi ko iboboto ang isang kandidato na sinasabing sorbra ang pagmamalasakit niya sa mga nanay at sanggol pero hindi pabor sa RH Law. Seryoso? Sarili niya mismo di nagtutugma ang pananaw? Hindi ko din iboboto ang isang kandidato na sinasabing ayaw niya sa divorce dahil sabi niya “Makakapag-bigay ban g trabaho ang divorce? Pag may divorce ba, dadami ba ang pagkain ng tao?” Oh diba? Anong klaseng rason yan? Pagkumparahin talaga ang dalawang magkaibang issue?  Hinding-hindi ko din iboboto ang isang kandidato na hindi kayang iharap ang sarili sa mga pampublikong debate para ipamalas ang kanyang talino. Ang isang Senador ay haharap sa maraming matitinding debate. Kung hindi niya kayang makilahok, kahit isang beses lang, sa mga debate, eh ano sa tingin mo ang gagawin niya sa loob ng Senado? Ano, uupo lang sa pwesto niya habang umiinom ng mainit na tsaa? O baka naman magsasalita lang siya kapag meron siyang kodigo, ano? Lahat scripted? Pwede ba, madami nang ganitong Senador. Hindi na para madagdagan pa. Hindi ko iboboto si Nancy Binay dahil hindi siya karapat-dapat sa listahan ko ng iboboto kong Senador. Hindi niya nakamit ang mga kwalipikasyon na hinahanap ko sa isang Senador.

 

 

At para sa inyo na dumedepensa sa kanya na hindi dapat siya sisihin sa pagtakbo niya bilang Senador kasi kinumbinsi lang siya ng Tatay niya. Pwede ba, trenta’y-nuebe anyos na siya. Hindi ba niya kayang magdesisyon para sa sarili niya? Hindi niya ba kayang mag-isip para sa sarili niya? Siya ay siya. Ipinapangako nya na kaya nyang magbigay ng trabaho sa lahat, pero siya ay walang sariling trabaho. Nasasaktan siya dahil sa lahat ng batikos sa dyaryo, TV, internet? Syempre naman, masakit talgang mabatikos. Dapat binalaan siya ng tatay niya. O baka naman, masyadong kampante na si Tatay na mananalo siya. Aba, tignan natin.

 

 

@NJayMaldito 

 

Reference for the above Nancy Binay quote:

http://www.philstar.com/opinion/2013/01/31/903144/who-nancy-binay

Images from:

Rappler.com & politicallyintoxicated.blogspot.com

 

 

#NoProofread #Welcome #GrammarNazi

As one quote says:

“Sa araw ng eleksyon pinakamakapangyarihan ang tao. Ito ang panahon na kayang impluwensiyahan ang gobyerno.”

====================================

 

Original English post:

https://njaymaldito.wordpress.com/2013/05/07/nancy-binay-is-offending-me/

 

Comment? Sure! But please include your name so others can address you properly when they feel like replying. ;o)

Thank you very much for reading!

 

4 thoughts on “Iniinsulto ako ni Nancy Binay

  1. Pingback: Nancy Binay is offending me | NJay Maldito

  2. hindi ko iboboto si NANCY BINAY.imagine dinaig pa niya si RICHARD GORDON,EDDIE VILLANUEVA,EDWARD HAGEDORN,TEDDY CASINO,na ang mga taong ito ay wala sa top 20 ng sws surveys.although kahit kelan ay di ako naniniwala sa surveys.surveys is mind conditioning,band wagon effect.marami pa din sa mga pinoy ang bobo at parang robot na kahit saan ipaling at doon na sila.di ko din iboboto ang mga ENRILE,ESTRADA/EJERCITO,BINAYS

  3. kapag nanalo si nancy binay, nangangahulugan ito na majority sa mga voters natin hindi pa mature.
    hindi ako boboto ng pangalang gasgas na.
    bago ang gusto ko sa senado!

  4. Hello po. I’m only 14 years old so I’m not yet a voter. pero kung pwede na kong bumoto? hinding hindi ko rin iboboto si nancy binay. not because i’m satisfied and influenced with this blog. but because i know that i’m mature enough to see the reality. Hindi ako nagpapabulag sa tv ads. instead, i search on the internet and read their backgrounds. someday, malalaman din ng mga boboto kay Ms. Nancy na nagkamali sila.
    i salute the writer of this one ! Sana po mabasa to ng mas nakararami. Hands down !🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s