Iniinsulto ako ni Nancy Binay

Iniinsulto ako ni Nancy Binay dahil siguro iniisip niya na …

 Image

1. ako ay isang “name-recall voter” – – siguro iniisip niya na lahat ng Pilipino ay tinitingala at bilib sa Tatay niya na dating Mayor ng Makati at ngayon ay bise-Presidente ng bansa na laging ipinagmamalaki ang kanyang mga nagawa. At siguro iniisip din niya na kapag “Binay” ang apelyido mo eh isa na itong kasiguraduhan na siya ay magiging isang Senador. Teka, dib a may asawa siya? Bakit hindi niya gamitin ang apelyido ng asawa niya? Pwede din natin tanungin ang mga tunay na taga Makati, kung ano nga ba talaga ang kalagayan ng bayan nila bago at habang nasa pwesto ang mga Binay.

 

2. ako ay “Mangmang” – – na hindi ako marunong bumasa at sumulat para siyasatin ang kanyang mga kredensyal at mga nagawa (kung meron man). O baka iniisip din niya na ang buong pamilya ko ay walang pinag-aralan at kami ay nanghuhula na lang ng iboboto tuwing eleksyon.

 

3. gustong-gusto ko ang “Campaign Ads” – – na tuwang-tuwa ako sa mga komersyal niya sa TV para makumbinsi niya akong tunay nga siyang Nanay at siya ang magsisilbing Nanay sa Senado. Sandali lang ah, kelan pa ba nagkaron ng mga sanggol sa loob ng Senado at kailangan meron magpa-dede?

 

4. ako’y uhaw na uhaw sa mabulaklaking mga salita (pangako) – – “Education to Employment.” – Kung ito ay totoo, bakit kaya hindi siya umalis sa kanyang tatay at magsimula ng sarili niya? Nakapagtapos siya ng pag-aaral, bakit hindi kaya niya gamitin ito para humanap ng sarili niyang trabaho? – – “Kay Nancy Binay, mga bata gaganda ang buhay.” –Nung huling nasa Makati ako, na-ireport ko kaagad sa DSWD yung mga batang palaboy sa kalye. Madami sila. “Nanay de Pamilya.” –nakakatawa ang linyang to, sa totoo lang.

 

5. ako’y naniniwala sa surveys – – na meron akong mentalidad na iboboto ko lang kung sino yung nasa top 12 kasi baka masayang yung boto ko kung yung iboboto ko eh nasa 13th pababa sa surveys. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa kahit anong survey na may bahid politika. Ang mga surveys ay  mayroong  maraming kadahilanan katulad ng statistics. Ang mga resulta ay pwedeng hulaan at baguhin base sa mga iba’t-ibang variables at datos na ibinibigay. Masyadong teknikal, sakto na siguro yan. Siguro iniisp din niya na nakadepende ang boto ko sa surveys, na kung sino yung gusto nung iba, yun din ang boboto ko.  Na maniniwala ako sa surveys kahit ako mismo eh ni minsan hindi napasama diyan sa mga surveys na yan.

 

6. ako’y tanga – – siguro iniisip niya na ako ay isang bobo o tanga na wala akong kapasidad na mag-isip at kumilatis ng aking mga iboboto. Eto lang, ako ay isang matalinong botante. Pakibasa yung ika-pito.

 Image

7. iboboto ko siya – – kasi mukhang okay naman siya. Pwede ba. Panigurado, hindi ko siya iboboto. Hinding-hindi ko iboboto ang isang kandidato na sinasabing sorbra ang pagmamalasakit niya sa mga nanay at sanggol pero hindi pabor sa RH Law. Seryoso? Sarili niya mismo di nagtutugma ang pananaw? Hindi ko din iboboto ang isang kandidato na sinasabing ayaw niya sa divorce dahil sabi niya “Makakapag-bigay ban g trabaho ang divorce? Pag may divorce ba, dadami ba ang pagkain ng tao?” Oh diba? Anong klaseng rason yan? Pagkumparahin talaga ang dalawang magkaibang issue?  Hinding-hindi ko din iboboto ang isang kandidato na hindi kayang iharap ang sarili sa mga pampublikong debate para ipamalas ang kanyang talino. Ang isang Senador ay haharap sa maraming matitinding debate. Kung hindi niya kayang makilahok, kahit isang beses lang, sa mga debate, eh ano sa tingin mo ang gagawin niya sa loob ng Senado? Ano, uupo lang sa pwesto niya habang umiinom ng mainit na tsaa? O baka naman magsasalita lang siya kapag meron siyang kodigo, ano? Lahat scripted? Pwede ba, madami nang ganitong Senador. Hindi na para madagdagan pa. Hindi ko iboboto si Nancy Binay dahil hindi siya karapat-dapat sa listahan ko ng iboboto kong Senador. Hindi niya nakamit ang mga kwalipikasyon na hinahanap ko sa isang Senador.

 

 

At para sa inyo na dumedepensa sa kanya na hindi dapat siya sisihin sa pagtakbo niya bilang Senador kasi kinumbinsi lang siya ng Tatay niya. Pwede ba, trenta’y-nuebe anyos na siya. Hindi ba niya kayang magdesisyon para sa sarili niya? Hindi niya ba kayang mag-isip para sa sarili niya? Siya ay siya. Ipinapangako nya na kaya nyang magbigay ng trabaho sa lahat, pero siya ay walang sariling trabaho. Nasasaktan siya dahil sa lahat ng batikos sa dyaryo, TV, internet? Syempre naman, masakit talgang mabatikos. Dapat binalaan siya ng tatay niya. O baka naman, masyadong kampante na si Tatay na mananalo siya. Aba, tignan natin.

 

 

@NJayMaldito 

 

Reference for the above Nancy Binay quote:

http://www.philstar.com/opinion/2013/01/31/903144/who-nancy-binay

Images from:

Rappler.com & politicallyintoxicated.blogspot.com

 

 

#NoProofread #Welcome #GrammarNazi

As one quote says:

“Sa araw ng eleksyon pinakamakapangyarihan ang tao. Ito ang panahon na kayang impluwensiyahan ang gobyerno.”

====================================

 

Original English post:

https://njaymaldito.wordpress.com/2013/05/07/nancy-binay-is-offending-me/

 

Comment? Sure! But please include your name so others can address you properly when they feel like replying. ;o)

Thank you very much for reading!

 

Bobong Botante

Ang bobong botante.

(Paalala, may mga salitang di ka nais-nais mabasa o marinig) 

Ito ay nakasulat sa wikang pambansa upang maunawaan ng mas nakakarami ang aking balak ipahiwatig. Ito ang mga sintomas na ikaw ay isang bobong botante at walang kwentang mamamayan. Pasensiya na sa mga salitang yan, pero kung tinamaan ka, di ko na problema yon.

Isa kang bobong botante kung madalas o minsan nasasabi mo ang mga ito tuwing panahon ng eleksyon:

  1. Wala namang magbabago, di na ako boboto.” –- Oo, tama ka! Walang magbabago dahil napakatamad mo, pagboto lang di mo pa magawa? Hindi mo ba alam na napakaswerte mo kung malaya at may karapatan kang bumoto? Yung mga tao sa ibang bansa, hanggang ngayon, umiiyak, nakayuko dahil wala silang kalayaang pumili kung sino ang gusto nilang iluklok sa pwesto. Tapos ikaw, sasayangin mo lang dahil pakiramdam mo walang magbabago? Simulan mong magbago ng mentalidad sa pagboto, makikita mo ang pagbabagong hangad mo.

  2. Di ko naman kilala yang mga yan, bahala na sa eleksyon.” – – Di mo kilala? Aba, eh di kilalanin mo! Marunong kang magbasa diba? Marunong kang magsulat? May kamag-anak kang nag-aaral, marunong mag surf sa internet diba? Alamin mo kung sino sa tingin mo ang karapat-dapat na umupo sa pwesto. Ipagtanong mo kung sino sila, kilatisin mo. Bakit mo sasabihing bahala na sa eleksyon, tapos pag na-badtrip ka sa binoto mo kasi walang kwenta, magrereklamo ka. May utak ka para mag-isip. Lahat tayo may kapasidad para kilatisin ang bawat isa.

  3. Boboto ko siya, mukhang mabait at matulungin eh. Gwapo/Maganda pa!” (Artista at mga kilalang personalidad) – Naks naman, ano to “Search for the most pleasing personality?” Di porke’t mukhang mabait at sa tingin mo matulungin, eh yun na yung totoong pagkato niyan. Kilatisin mo kung totoo ba talaga, na kahit wala sa pwesto, walang camera oh walang nakakakita eh talagang mabait sila. Tska, mabait nga at matulungin, magtaka ka baka pag nasa pwesto na yan, lahat ng tulong eh ibibigay sa mga kaibigan. Yung tipong hindi maka-hindi kahit alam na mali. Tska iba ang nasa TV sa totoong buhay. Maging mapanuri ka dapat.

  4. Sayang ang boto ko, di naman mananalo yan.” – Dito ko badtrip na badtrip. Oo, sayang ang boto mo kasi kung yun boto mo eh ibinigay mo dun sa karapat-dapat eh di sana puro tamang lider ang mga nasa pwesto ngayon. Bilib na bilib ka sa surveys? Eh ang bobo mo. Bakit mo itutulad yung pagiisip mo dun sa mga sumagot sa survey? Wala ka bang utak? Wala ka bang sariling isip? Susundin mo din sinabi sayo ni Pastor o ni Father o kung sino mang may awtoridad sa relihiyon mo? Sige, pero kung sa tingin mo may mali sa mga kandidatong inendorso nila, aba mag-isip isp ka. May free-will tayo. May kanya-kanya tayong utak at balota sa araw ng eleksyon. Isip isip din pag may time.

  5. Siya na lang, gusto ko kasi vision ng Nanay at Tatay niya.” – – Anong vision? Pareho sila ng mga mata? Pareho sila ng isip? Walang ganon! Di porke’t mula sila sa pamilya ng mga politiko eh sila na ang karapat-dapat. Mabahala ka kung halos lahat sila eh nasa pwesto na nang gobyerno. Di na paglilingkod-bayan yan! Pagtatakip-butas na yan. Gusto nila, sila na lang ang nasa pwesto para mapagtakpan ang anomalyang ginawa at gagawin nila. Obserbahan mo, ilampung-taon na sila sa pwesto? May nangyari ba? Pareho nga sila ng apelyido, pero may napatunayan na ba? Katulad ng isa diyan, namatay lang si Mommy, tumakbo na. Syempre yung mga bobong botante, naawa. Ayun, panalo! Tapos eto pa, yung nakulong na, aba! Nag #2 pa! Susmaryosep na mga botante to!

Wag tayong maging bobo. Lagi na lang tayong, “ay mabait yan. Uy mukhang di corrupt.” Diba pwede namang “Magaling yan! Matalino yan! Ay, talagang totoo sinasabi niyan. Sa (insert city/province), pag pumunta ka, talgang ibang iba. Napakaayos. Siya nga nagpatupad ng ganito, ganon….” Siguro pwede naman? Kaya yang mga kandidatong yan, kahit alam nilang nanloloko lang sila eh laging kasali dahil malakas ang loob nilang mananalo sila dahil sa pagkakaalam nila eh bobo tayo. Nakakbadtrip diba? Ako, di na ko papayag na ganon ang isipin nila. Hindi ako bobo. Oo, sige sabihin na nilang magaling ako, na ang yabang ko, pero sa pagkakataong ito. Di ako papa-uto sa kanila dahil hindi ako bobong botante. Ikaw, bobong botante ka ba?

O, tanong nga ni Vice Ganda: 

Image,

Image from: http://media.tumblr.com/tumblr_m4poprANfJ1qhobif.jpg

by: @NJayMaldito

#NoProofread #Welcome #GrammarNazi

As one quote says:

“Election day is when citizens are most powerful. It is the day when they can influence the government.”